Personal post po ito at hindi ko po alam kung may kinalaman to dito sa mga iba kong posts dito sa blog kong to pero isheshare ko na din sa inyo
-
June 13, 2014, Friday, 10:15am. Nagising ako, nakita ko ang kapatid kong si Paulo na isang grade 9 student sa ICSB. Nagtataka ko at tulog pa siya. Eh di ba 7 lang ang pasok niya? Siguro nasuspend lang ang klase kasi medyo maulan?Binuklat ko ang cellphone ko at nakita ang text ng class adviser kong si Sir Kenneth Santiago, nasa text nya na ipagdasal daw ang school namin. Napaisip ako, ano nangyari? Saktong paglabas ko ng kwarto, nakasalubong ko ang mommy ko.
Ako: Mami, bakit andyan pa si Pao?
Mommy: Nagkasunog sa ICSB.
Ako: HA?!
Dali dali akong nagbukas ng Twitter account ko. Punong puno ang homepage ko ng mga tweets ng mga schoolmates ko.
Btw, isa po akong Lady Icon, studyante ng ICSM Metropolis (High School Girls Department) na nasa Longos at ang kapatid kong si Paulo ay isang Icon, studyante ng ICSB (High School Boys Department) na nasa kabayanan ng Malolos., kung saan nagakasunog.
Totoo nga, nasunog ang ICSM Main (Elementary Department) at 1/3 ng ICSB na parehong nasa kabayanan ng Malolos. Mga 3am daw nagsimula ang sunog dahil sa isang poste ng Meralco na pumutok ata o sumabog (di po ako sure ee)
Kahit na hindi ako sa ICSM Main nag aral ng elementary, nanlumo ako. Kahit nasa Metroplis (Longos) Campus ako at hindi sa kabayanan, naapektuhan ako. Kahit papano may mga memories din naman ako sa ICSM Main at ICSB pag may gatherings ang school namin na kasama ang lahat ng campus.
Before and after ng ICSM Main (Elementary Department)
Before and after ng ICSB (High School Boys Department) Ang nasunog daw sa building na yun yung Computer Room, Library at AVR. (c) Sir Peter Collin Crisostomo
Sa lahat ng nakita kong pictures, ito ang pinaka dumurog sa puso ko.
Yung lalaking nasa picture na nakaputi ay ang aming school rector na si Rev. Msgr. Pablo S. Legaspi Jr. Parang hindi na kailangan ng salita para maiyak ako eh, nakita ko lang yung picture na yan, naiyak na ko.
Alam kong may dahilan ang Diyos kung bakit nya ginawa yun. Alam kong may mas maganda Siyang plano para sa ating lahat, lalo na sa ating mga Icons.
Sa mga nais pong tumulong, pwede po kayo sumali sa group sa FB na Fundraising for ICSM. (
https://www.facebook.com/groups/642688205822052/) Malaking tulong din po sa amin ang inyong mga dasal. Paki sama po ang ICSM at ICSB community sa mga prayers nyo! Maraming salamat po. God bless.
Credits to the owner of the photos. Di ko po kasi marecall kung kanino galing eh. Pwede nyo ko itweet sa Twitter kung alam nyo kung kanino yung photos para mabigyan ko ng proper credit (@angelxalvarado) or (@liabuenaa) :D