Sabado, Mayo 25, 2013

Bukas na

Bukas na ang celebration ng Flores de Maria 2013. Sa parokya namin (Parokya ng Nuestra Senora Santissimo Rosario) pati sa kabayanan (Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana). Nagkasabay! Pero may pupuntahan akong football tournament ng umaga hanggang hapon sa Maynila pagkatapos nun didiretso na ko sa kabayanan para sa Flores de Maria pagkatapos nun hahabol ako sa parokya namin. Akala ko kasi ngayon yung sa parokya namin tapos bukas yung sa kabayanan, taon taon kasi ganun, ewan ko ba kung bakit nagkasabay ngayong taon...

Martes, Mayo 21, 2013

The Next "Father" in the Family

This time, magtatagalog ako! Haha!

-

   Matapos ang prusisyon noong nakaraang Biyernes Santo, ako ay nasa byahe kasama ang aking mga pinsan papuntang Maynila, ito ang dahilan kung bakit hindi ako nakadalo sa Pasko ng Pagkabuhay. Katabi ko ang aking anim na taong gulang na pinsan na si DJ. Kinekwentuhan ko sya tungkol sa Mahal na Araw noong bigla syang nagkwento sakin... "Ate Angel, nanaginip ako, nakapako daw si Jesus tapos tinanggal ko yung mga pako, tapos nag thank you sya sakin." Nagulat ako sa kinwento ni DJ tapos biglang nagsalita ang pinsan kong si Maki, "Ay si DJ na ang susunod sa yapak ni Fr. Rico!" Sino nga ba si Fr. Rico? Si Rev. Fr. Enrico Crisostomo ay ang aming titong pari na kasalukuyang nagtatapos ng kanyang doctorate studies sa Milan, Italy. Posible nga ba na tinatawag na ng Diyos si DJ para maglinkod sa kanya sa murang edad? Marahil ang pagtawag ng Diyos ay walang pinipiling tao, mapa bata, o matanda, mapa mayaman o mahirap, kahit sino, kahit ikaw, oo, ikaw, ay tinatawag na ng Diyos, upang maglingkod at magbalik loob sa kanya.

10th Marian Exhibit

Jgh from the Marian Exhibit. All photos are taken by me. I was in the mood to put watermarks so all of them had watermarks.
-


































































Planning to come back. Too bad it's only until Friday. Will do my best to come back before the exhibit ends.